Tanauan TODA handang makipagtulungan para sa mas maayos na daloy ng trapiko sa Lungsod ng Tanauan.

Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan TODA, magtutulungan para sa mas maayos na daloy ng trapiko sa Lungsod!
Patuloy ang pakikipag-usap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa ating mga Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) katuwang ang Tricycle Regulatory Office (TRO) upang malaman ang kanilang mga hinaing at suhestyon hinggil sa kanilang mga kinikita at pangangailangan sa ating Lokal na Pamahalaan.
Kasabay nito,tinalakay ang mga programa ni Mayor Sonny sa pangangalaga sa ating mga Tricyle drivers kabilang ang pagpapaunlad ng transportasyon, pagsasaayos ng mga kalsada at maayos na sistema ng trapiko sa Lungsod.
Naging bahagi rin nito ang ating Ina ng Ikatlong Distrito ng Batangas Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes upang bigyang suporta ang kanilang samahan at organisasyon na malaki ang kapakinabangan sa pang-araw araw na buhay ng ating mga kababayan.
Previous Mga bagong CGTECC Board of Directors, pormal nang nanumpa!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved