Oathtaking of Newly hired and Promoted Teacher

Oathtaking ng mga Newly-hired at Promoted na mga Guro, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes ay pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang 25 mga guro mula sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan.

Ang mga nasabing guro ay kasalukuyan nang naka-deploy at katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa mga pampublikong paaralan upang masiguradong nabibigyan ng kaukulang kaalaman at kasanayan ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.

Kasabay nito ay taos pusong nagpasalamat din ang ating Punong Lungsod dahil sa kanilang dedikasyon at pakikipagtulungan upang masigurong dekalidad ang edukasyon ng bawat Kabataang Tanaueño.

Previous GAD Orientation for Employees of Tanauan City

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved