Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan TODA

Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan TODA, magtutulungan para sa maayos na daloy ng trapiko sa nalalapit na Holiday Season!
Patuloy ang pakikipag-usap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa ating mga Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) katuwang ang Traffic Management Office (TMO) at Tricycle Regulatory Office (TRO) upang malaman ang kanilang mga hinaing at suhestyon hinggil sa kanilang mga kinikita at pangangailangan sa ating Lokal na Pamahalaan.
Binigyang pansin sa naturang pagpupulong ang koordinasyon ng ating mga Tricycle Drivers para sa nalalapit na Undas at Holiday Season upang maging kaagapay sa pagpapaluwag ng mga daanan at kalye sa Lungsod. Dito, inatasan din sila na makiisa sa mga itinalagang sakayan at babaan ng pasahero upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Ipinaalam naman ng Traffic Management Office (TMO) na sisimulan na sa unang Linggo ng Nobyembre ang Towing Operation para sa mga ilegal na nakaparada sa mga daan. Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga Presidente ng TODA na hikayatin ang kanilang mga miyembro na kumuha ng Mayor’s Permit nang mas maaga.
Ipinaalam naman ng ating Punong Lungsod na aprubado ang budget para sa pagsasaayos ng mga daanan kung saan gagawing Aspalt overlay ang mga kalye na makakatulong maiwasan ang pagkasira ng kanilang minamanehong Tricyle. Kaniya ring ipinaalala na makiisa sa one way policy para sa maluwag na daloy ng trapiko na magpapalaki ng kanilang kita sa nalalapit na Holiday season.
Naging bahagi rin nito ang ating Ina ng Ikatlong Distrito ng Batangas Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes upang bigyang suporta ang kanilang samahan at organisasyon na malaki ang kapakinabangan sa pang-araw araw na buhay ng ating mga kababayan.
Previous CGT TRICK OR TREAT

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved