๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐, ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง!
Isang makabatang umaga ang pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang buong pamunuan ng DepEd Tayo – DepEd Tanauan City upang pormal nang buksan ang #BrigadaEskwela2024 sa Lungsod ng Tanauan ngayong araw na ginanap sa Trapiche Integrated School.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng Brigada Eskwela kung saan taunang ginagawa sa Lungsod ng Tanauan bilang paghahanda sa paparating Taong Panuruan 2024-2025. Aniya, sa patuloy na bayanihan, pagtutulungan at boluntarismo katuwang ang ibaโt ibang sektor ng komunidad ay nabibigyan natin ng oportunidad ang bawat Kabataang Tanaueรฑo tungo sa isang dekalidad na edukasyon.
Kaisa din sa nasabing aktibidad ay si Congw. Maitet Collantes na nagpaabot ng mensahe patungkol sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bawat paaralan na aniyaโy โtahanan ng pangarap ng bawat Kabataanโ
Pinangunahan din nina Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes ang isinagawa rin ang pagpirma sa Pledge of Commitment bilang simbolo ng pakikiisa at pagsuporta sa #BrigadaEskwela2024.
Sa kabilang banda, pinangunahan din ni DepEd ASDS Dr. John Carlo Paita at nagsilbing Keynote speaker naman si First Philippine Industrial Park Vice President Mr. Ricky Carandang na kinatawanan ni FPIP Community Relations Officer Mr. Marco Amurao na katuwang ng Lungsod ng Tanauan.
Nakibahagi rin sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Jun-jun Trinidad at Committee on Education and Culture Kon. Czylene Marqueses, Vice Gov. Mark Leviste, Sangguniang Barangay ng Trapiche sa pangunguna ni Kap. Darwin Tan, mga guro, magulang at kinatwan mula sa iba’t ibang sektor at samahan.