Mga bagong CGTECC Board of Directors, pormal nang nanumpa!

Mga bagong CGTECC Board of Directors, pormal nang nanumpa!
Bilang suporta sa kooperatiba ng Pamahalaang Lungsod, nagsilbi bilang Administering Officer ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga bagong halal na Board of Directors ng City Government of Tanauan Employees Credit Cooperative.
Sa isang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Sonny ang kanilang masigasig na paglilingkod para sa ating mga kababayan. Pinuri niya rin ang kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan para sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya ng ating Lungsod.
Ang CGTECC ay isang samahan sa loob ng Pamahalaang Lungsod na mayroong mahigit 500 na mga miyembro, layunin nitong umagapay at makatulong sa mga kawani para sa kanilang karagdagang kita.
Previous Nagsagawa ng Technical Assistance ang Office of the City Agriculturist katuwang ang PCA Batangas

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved