𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐥𝐢𝐞𝐟 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐧𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐫𝐚𝐩𝐢𝐜𝐡𝐞!
Sama-samang nagpaabot ng gamit pantulog, damit at iba pang supplies ang mga miyembro ng Tanauan City Women’s Coordinating Council sa pangunguna ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Trapiche at kasalukuyang namamalagi sa Sambat Evacuation Center. Bukod sa mga supplies, nagpaabot din ng libreng tanghalian ang mga miyembro ng TCWCC katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development at Gad Tanauan.
Isa-isang kinumusta rin ni Atty. Cristine ang kalagayan ng ating mga kababayan partikular na ang mga nanay at bata upang alamin ang iba pa nilang pangangailangan. Samantala, nakikipagtulungan rin si Atty. Cristine kay Brgy. Trapiche Coordinating Council Kapitana Trudie Claude Tan patungkol sa iba pang pangunahing interbasyong kinakailangan para matulungang makabangon ang 58 mga pamilyang apektado ng insidente.