Atty. Cristine Collantes, hinirang bilang Presidente ng Women’s Coordinating Council sa buong Ikatlong distrito ng Batangas!

Atty. Cristine Collantes, hinirang bilang Presidente ng Women’s Coordinating Council sa buong Ikatlong distrito ng Batangas!
Dumalo kahapon ika-11 ng Nobyembre si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes sa Batangas City kasama ang mga opisyales ng iba’t ibang Lungsod at Bayan para talakayin ang mga paghahanda sa gagawing aktibidad at mga programa sa sektor ng kababaihan sa buong Batangas.
Tinalakay rito ang planong Rules and Regulation na isasagawa para sa susunod na taon na layong palakasin ang karapatan ng mga kababaihan sa ating Lalawigan. Bahagi rin nito ang napagkasunduan ng mga dumalong Mayora upang italaga si Atty. Cristine bilang Presidente ng Women’s Coordinating Council para sa buong ikatlong distrito ng Batangas.
Tuloy-tuloy naman ang mga ginagawang hakbang ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang City Social Welfare and Development Office upang makipag-ugnayan sa iba’t ibang mga Lungsod para sa pagpapalawak ng mga programang mangangalaga at poprotekta sa kababaihan sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Oathtaking Ceremony ng mga bagong opisyales ng LGBTQIA+ sa Lungsod

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved