Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Umabot sa kabuuang 335 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Local Social Welfare and Development (CSWD).
Kaugnay nito ang regular na pakikipag-usap sa ating mga kababayan tuwing araw ng huwebes bilang hakbang ng ating Punong Lungsod upang patuloy na matugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayan para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot, hospital bills at pagda-dialysis.
Kaisa sa naturang pamamahagi na ito sina TCWCC President Atty. Cristine Collantes, CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito at mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng Lokal na pamahalaan na kaagapay sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.