Sunog, Sumiklab sa Brgy. Poblacion 3; Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, Nagpaabot ng Tulong.

Sunog, sumiklab sa Brgy. Poblacion 3; Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nagpaabot ng tulong para sa mga biktima
Personal na tinungo ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at Tanauan Local Social Welfare and Development ang ating mga Tanaueño mula San Sebastian Village, Brgy. Poblacion 3 na biktima ng sunog nitong ika-17 ng Mayo.
Ayon sa ulat ng Bfp Riva Tanauan City Fs, nagsimula ang sunog ng alas-8:21 ng gabi kung saan tinupok nito ang apat na residential apartment ng Pamilya Javier at lahat ng mga kagamitan ng pamilya. Habang idineklarang fire out na ang insidente pasado 8:48 ng gabi at kasalukuyang iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
Samantala, nagpaabot naman ng kaukulang tulong ang lokal na pamahalaan tulad ng dalawang kabang bigas, gamit pantulog at panluto at mga grocery packs para sa mga nasabing biktima.
Previous Educational Assistance para sa mga Mag-aaral sa Barangay Altura

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved