Educational Assistance para sa mga Mag-aaral sa Barangay Altura

Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Barangay Altura Matanda, Altura Bata, Altura South, pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes!
Bilang katuparan sa pangangailangan sa sektor ng Edukasyon, naging matagumpay ngayong araw ang pamamahagi ng Educational Assistance para sa higit 500 na mga benipisyaryong mag-aaral sa Barangay Altura Matanda, Altura Bata, Altura South.
Katuwang ang Barangay Affairs Office sa pamumuno ni Ms. Jiennch Nones kasama ang City Treasurer’s Office at Sangguniang Barangay ng Altura Matanda, Altura Bata, Altura South naisagawa ang paghahatid ng programa sa nasabing Barangay.
Bahagi rin nito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes na nakiisa para sa mas malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Previous Dekalidad na Pagawain Bayan, Ihahatid ng Pamahalaang Lungsod.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved