2023 Fire Prevention Month Kick-off Ceremony

2023 Fire Prevention Month Kick-off Ceremony, pinasinayaan sa Lungsod ng Tanauan katuwang ang BFP Tanauan
Kaugnay sa selebrasyon ng 2023 Fire Prevention Month ngayong Marso, tagumpay na pinasinayaan ng Bfp Riva TanauanCity Fs ang provincial-wide Kick-Off Ceremony sa harap ng New Tanauan Cityhall Building ngayong umaga, kasama si Mayor Sonny Perez Collantes, mga kawani ng BFP Region 4A at BFP Batangas.
Sa temang โ€œSa pag-iwas sa sunog, hindi kayo nag-iisaโ€, pinangunahan ng ating mga Fire Marshals sa pamumuno ni BFP Tanauan CINSP Rowena S Ramos ang Simultaneous Rescue Activity na kanilang isinasagawa tuwing may vehicular accident at iba pang insidente.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang buong pamunuan ng BFP Tanauan sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa Lungsod. Malugod na ibinalita din ng Alkalde ang paghahatid ng karagdagang kagamitan para sa kanilang regular na operasyon. Sinigurado rin ni Mayor Sonny na palagiang bukas ang kaniyang Tanggapan sa iba pang kakailanganin ng BFP Tanauan.
Bukod dito, isinagawa rin ang Zumba at Motorcade na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng pampubliko at pribadong ahensya kabilang na nina City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, DILG CLGOO Ms. Charlotte Flor Quiza. BFP Region 4A Special Rescue Force Chief SSUPT Gay Faltado-Florentino, DSC, BFP Region 4A Administrative Division Chief SUPT Lynelle M Marabella, at BFP Provincial Fire Marshal SUPT Orlando A Antonio
Previous TINGNAN | 22nd Tanauan Cityhood Anniversary

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved