Rag Making Livelihood Program Granting Ceremony, naging matagumpay katuwang ang Philippine Manufacturing of Murata Co. !
Bilang tugon sa paglikha ng mga programa para sa ating mga kababayan tuloy-tuloy ang pakikipagtulungan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa mga investors katulad ng Philippine Manufacturing of Murata Co. sa pangunguna nina MURATA Pres. Masayoshi Koda at Dir. Mitsuki Notsu kung saan nagsagawa ngayong araw ng Rag Making Training for Sewers na layong mabigyan ng kabuhayan ang ating mga Tanaueño.
Katuwang ang City Cooperatives and Livehood Development Office sa pamumuno ni Ms. May Fidelino naging matagumpay ang nasabing programa kung saan naging daan ito upang mapalalim ang magandang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at ng MURATA.
Kasabay rin nito ang handog na Sewing Machine at Sewing Equipments ng MURATA na magsisilbing kagamitan sa pagsasanay upang mapalawak ang kaalaman ng ating mga kababayan na nagnanais matututo sa industriya ng pananahi. Ipinagpasalamat naman ni Mayor Sonny ang kanilang patuloy na pakikiisa sa kaniyang mga adhikain na mapabuti ang antas ng pamumuhay ng bawat Tanaueno at mapaunlad ang mahal nating Lungsod.