Kasama ang City Cooperative and Livelihood Development Office, personal na kinumusta ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes ang ilang samahan ng kababaihan sa Barangay Pagaspas at Bagumbayan upang tingnan ang sitwasyon ng kanilang proyekto at mga produktong tulad ng Dishwashing Liquid, Hand soap, Hand Sanitizer at Aesthetic Gift Set.
Dito inalam din ni Atty. Cristine ang mga pangangailangan ng kanilang proyekto at negosyo upang ipaabot sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para mapalawak pa at mapalago ang kanilang ibinibentang produkto.
Samantala, hinihikayat naman ni Atty. Cristine Collantes ang ating mga kababayan na suportahan ang kanilang mga ibinibentang produkto upang makatulong sa ating mga solo parents, 4Ps, Kalipi at iba’t ibang samahan ng mga kababaihan at para na rin maipakilala ang ating mga lokal na produkto.