Orientation to Basic Food Hygiene and Sanitation for Street Food Vendors!

Suporta para sa maliliit na negosyante at paglulunsad ng Tanauan Weekend Market, bahagi ng isinagawang Orientation to Basic Food Hygiene and Sanitation for Street Food Vendors!
Bilang suporta sa maliliit na manininda sa Lungsod, nagsagawa ang ating Lokal na Pamahalaan ng Orientation to Basic Food Hygiene and Sanitation for Street Food Vendors para makatulong sa karagdagan nilang kita.
Ito ay inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Cooperative and Livehood Development Office, Community Affairs Office at Tourism Office upang matulungan ang kanilang negosyo na maipakilala at pumatok ng husto sa masa.
Kasabay rin nito ang pagtatalakay hinggil sa nalalapit na Tanauan Weekend Market kung saan magkakaroon ng Designated area para pagsama-samahin ang ating mga Street Vendors upang ipakilala ang lokal na mga produktong ipinagmamalaki ng Lungsod ng Tanauan. Ayon pa sa ating Punong Lungsod, bahagi rin ito upang mapalakas ang turismo ng Tanauan na layong makaakit ng mga turista mula sa ating mga karatig na Lalawigan.
Previous Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Barangay Ulango

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved