Nagsagawa ng Technical Assistance ang Office of the City Agriculturist katuwang ang PCA Batangas

IN PHOTOS | Nagsagawa ng Technical Assistance ang Office of the City Agriculturist katuwang ang Philippine Coconut Authority – Batangas (PCA-Batangas) sa taniman ni Gng. Gloria Santos mula sa Barangay Pagaspas. Ito ay matapos niyang ipabisita ang kanyang mga pananim na niyog dahil sa mga naninirang insekto.
Agad naman itong binigyang aksyon ng nasabing tanggapan at ng PCA-Batangas na naglagay ng Log Trap gamit ang Green Muscardine Fungus upang masugpo ang mga mapanirang Rhinoceros Beetle. Patuloy pa rin ang pag-monitor at pag-oserba sa nasabing taniman ng niyog.
Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng industriya ng pagniniyog sa Lungsod na isa mga pangunahing programang pang agrikultura ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes
Para naman sa ibang mga magsasaka na nakararanas ng paninira ng Rhinoceros Beetle o “Uang” sa niyog maaari po kayong makipag ugnayan sa Tanggapan ng Panlungsod na Agrikultor.
Previous Tulong Pinansyal, ipinaabot para sa mga Tanaueñong namatayan ng Livestocks!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved