anauan Employees Credit Cooperative General Assembly

City Government of Tanauan Employees Credit Cooperative General Assembly!

Pakikiisa at pakikipagtulungan tungo sa maunlad na Tanauan, binigyang diin ni Mayor Sonny sa isinagawang City Government of Tanauan Employees Credit Cooperative General Assembly!
Sa isinagawang General Assembly ng mga miyembro ng CGTECC o City Government of Tanauan Employees Credit Cooperative, nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang magpaabot ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng kanilang kooperatiba.
Sa isang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Sonny ang kanilang masigasig na paglilingkod para sa ating mga kababayan. Pinuri niya rin ang kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan para sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya ng ating Lungsod.
Ang CGTECC ay isang samahan sa loob ng Pamahalaang Lungsod na mayroong mahigit 500 na mga miyembro, layunin nitong umagapay at makatulong sa mga kawani para sa kanilang karagdagang kita.
Kasabay nito, nakatakda ring isagawa ngayong araw ang botohan para sa mga bagong Board of Directors na pangungunahan ni CGTECC President Dr. Demie Austria.
Previous Basic Life Support Training para sa mga Barangay Functionaries

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved