Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes
Umabot sa mahigit 265 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Local Social Welfare and Development (CSWD).
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes na kaagapay at bahagi sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.