๐๐จ๐ฉ 10 2023 ๐๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ฑ ๐๐๐ฒ๐๐ซ๐ฌ / ๐๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฑ ๐๐๐ฒ๐๐ซ๐ฌ, ๐ค๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง
Bilang pasasalamat sa patuloy na pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga mamumuhunan sa ating Lungsod, isinagawa ngayong araw ang Awarding Ceremony para sa Top 10 Business Taxpayers at Top 10 Real Property Taxpayers ng Lungsod ng Tanauan.
Ang naturang seremonya ay simbolo ng pagkilala at pangmatagalang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod para sa kanilang natatangi at napakalaking kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng ating Ekonomiya.
Kasabay nito, ang paghikayat nina Mayor Sonny Perez Collantes , Atty. Cristine Collantes at Vice Mayor Atty. Jun Jun Trinidad sa lahat ng mga Investors upang sama-samang magtulungan sa pagbuo ng mas marami pang mga programa at oportunidad na mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng ating mga Tanaueรฑo.
Pinagtibay rin ng naturang aktibidad ang importansya at pagtaguyod ng isang Business-Friendly Tanauan City kung saan binigyaang diin ni Mayor Sonny na parating nakaagapay ang ating Lokal na Pamahalaan para sa patuloy na tagumpay at pag-unlad ng kanilang mga negosyo.