Local Assistance for Individual in Crisis Situation

Local Assistance for Individual in Crisis Situation, patuloy na ipinamamahagi ng City Government of Tanauan
Matagumpay muli ang isinagawang pamamahagi ng Local AICS (Assistance for Individual in Crisis Situation) para sa 254 nating mga Tanaueño sa tulong ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si City Treasurer’s Office head Fernando Manzanero at Tanauan Local Social Welfare and Development head Vicky Javier.
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina Atty. Cristine Collantes at Ina ng Ikatlong Distrito, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na nagpaalalang bukas din ang kaniyang Tanggapan para sa mga nais na humingi ng tulong pinansyal para sa kanilang medikasyon, hospitalization, at burial assistance.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaang Lungsod.
By: Ranch
Previous Pagsasaayos ng gusali at iba pang kaganapan sa Tanauan City College

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved