๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐ซ๐ฌ, ๐ฉ๐ซ๐๐ฒ๐จ๐ซ๐ข๐๐๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ง๐ง๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ณ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ!
Pinangunahan ni Mayor Sonny Collantesang isinagawang pagpupulong kasama ang mga 4Ps Parent Leaders ng Lungsod kung saan tinalakay rito ang mga programang isinusulong ng lokal na pamahalaan katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development at Department of Social Welfare and Development.
Binigyang-diin sa diskusyong isinagawa ay ang โNo Collection Policyโ na mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ng pamahalaan sa mga kapwa 4Ps members ng lungsod.
Bukod rito, inisa-isa rin nina Tanauan CSWD head Ms. Vickie Javier at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantesang mga programang sumasaklaw sa benepisyong dapat natatanggap ng mga miyembro nito, partikular na sa edukasyon at pangkalusugan.
Kabilang din sa nasabing aktibidad ang pagbabahagi ng mga empowered parent leaders ng kanilang mga karanasan at mga isinasagawang hakbang upang maging maayos ang implementasyon ng mga programa sa ilalim ng 4Ps.