Census of Population and Community-Based Monitoring System
Philippine Statistics Authority at City Government of Tanauan, nagsagawa ng pagsasanay sa mga Barangay hinggil sa Census of Population and Community-Based Monitoring System!
Bilang paghahanda sa 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System, naglunsad ang Provincial Philippine Statistics Office at Pamahalaang Lungsod ng pagsasanay para sa lahat ng mga Barangay Secretaries ng Lungsod.
Ito ay upang turuan ang mga Barangay Secretary sa mga kaalaman at proseso para sa sistematikong pangongolekta ng datos para sa 48 Barangay sa Tanauan. Kasama ang Statistical Researcher at Team Supervisor pangunahing itinuro ang wastong pagkalap ng mga impormasyon kabilang ang listahan ng mga service facilities at mga proyektong inilunsad ng ating Lokal na Pamahalaan sa kani-kanilang mga Barangay.
Mariin namang ipinaalala ni Mayor Sonny Perez Collantes sa bawat dumalo ang kahalagahan ng kanilang pakikiisa sa mga ganitong aktibidad ng ating Pamahalaang Nasyunal na layong mapabilis at maging wasto ang mga nakukuhang mga datos sa mga komunidad.