𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝟒𝐏𝐬 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬, 𝐩𝐫𝐚𝐲𝐨𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐒𝐨𝐧𝐧𝐲 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞𝐬!
Pinangunahan ni Mayor Sonny Collantesang isinagawang pagpupulong kasama ang mga 4Ps Parent Leaders ng Lungsod kung saan tinalakay rito ang mga programang isinusulong ng lokal na pamahalaan katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development at Department of Social Welfare and Development.
Binigyang-diin sa diskusyong isinagawa ay ang “No Collection Policy” na mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ng pamahalaan sa mga kapwa 4Ps members ng lungsod.
Bukod rito, inisa-isa rin nina Tanauan CSWD head Ms. Vickie Javier at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantesang mga programang sumasaklaw sa benepisyong dapat natatanggap ng mga miyembro nito, partikular na sa edukasyon at pangkalusugan.
Kabilang din sa nasabing aktibidad ang pagbabahagi ng mga empowered parent leaders ng kanilang mga karanasan at mga isinasagawang hakbang upang maging maayos ang implementasyon ng mga programa sa ilalim ng 4Ps.