Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Umabot sa mahigit 320 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD).

Nakiisa rin sa naturang pamamahagi si Atty. King Collantes na kaagapay at bahagi sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.

Samantala bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong humihingi ng tulong para sa kanilang Hospital Bill. Habang, tuwing Huwebes naman para sa mga kababayan nating hihingi ng tulong pinansyal at pangangailangang medikal.

Previous Junior Softball, tagumpay na nasungkit ang kampyeonato sa ikaapat na araw ng kompetisyon!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved