Junior Softball, tagumpay na nasungkit ang kampyeonato sa ikaapat na araw ng kompetisyon!

Sa magkakasunod na araw ng kompetisyon, wagi pa rin sa anim na kategorya ang ating mga koponan kung saan tagumpay na nakamit ng Tanauan Softball Team ang kampyeonato laban sa koponan ng Smokey Mountain.

Narito ang opisyal na resulta kahapon, ika-31 ng Enero 2024:
Senior Baseball

Tanauan City vs Illam: 10-0

Senior Softball

Tanauan City vs Pasig: 3-0

Junior Softball

Tanauan City vs Smokey Mountain: 6-3

Minor Baseball

Tanauan City vs Dasmariñas: 20-7

50/70 baseball

Tanauan City vs Taguig: 27-0

Juniors Baseball

Tanauan City vs Marikina: 21-4

Major Softball

Tanauan City vs Agoncillo: 7-3

Samantala, personal namang binisita ni Tanauan City Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes ang ating mga atleta upang magbigay ng suporta. Habang, magpapatuloy ang laban ngayong araw hanggang sa araw ng Sabado.

Photo: Roderick Lanting
Previous Inagurasyon ng mga bagong School Buildings at pagsasaayos at pagtatayo ng mga pasilidad ng mga Pampublikong Paaralan, tinalakay sa 2024 1st Local School Board!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved