DSWD AICS para sa mga Batangueño, Tagumpay na ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Tagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development na inihatid nig Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa 239 na mga kababayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas.

Bahagi rin ng nasabing programa si Mayor @Sonny Perez Collantes at 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes na kaagapay ng ating Ina ng Ikatlong Distrito sa pagpapaabot ng pinansyal na pangangailangan ng ating mga kababayanan tulad ng Hospitalization, medical maintenance at burial assistance.

Samantala, para sa iba pang nais mag-apply ng financial, medical at burial assistance sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, i-click lamang ang link na ito para sa iba pang detalye:

Habang para naman sa LOCAL AICS, bukas mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga Tanaueñong nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.

Previous Dr. Alcantara National High School, nakatanggap ng mga Computer Sets mula sa Honda Philippine, Inc!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved