Dr. Alcantara National High School, nakatanggap ng mga Computer Sets mula sa Honda Philippine, Inc!

Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng kumpanyang Honda Philippines, Inc, sila ay naghandog ng Computer Sets sa Dr. Alcantara National High School sa higit 285 na mag-aaral.

Sa mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes kaniyang pinasalamatan ang naturang kumpanya bilang bahagi ng ating Pamahalaang Lungsod para sa pagpapalago ng Lokal na Ekonomiya ng Tanauan. Pinuri niya rin ang kanilang pakikiisa upang bigyan ng suporta ang ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng ganitong uri ng proyekto.

Labis naman ang tuwa ng mga guro at mag-aaral sa kanilang tinanggap na mga Computer Sets, dahil makatutulong ito para sa kanilang mga aktibidad at mapapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa wastong paggamit ng teknolohiya.

Previous Mayor Sonny Perez Collantes at Honda Philippines, Inc., naghandog ng mga Computer Sets para sa mag-aaral ng Brgy. Banjo East National High School!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved