Cash Incerntives para sa Centenarian mula sa Pob. 3 Tanauan City.

Centenarian nating kababayan mula sa Poblacion 3, personal na nakatanggap ng cash incentives mula kay Mayor Sonny Perez Collantes!
Personal na hinandog ni Mayor Sonny Perez Collantes ang cash incentives para kay Tatay Fidel mula sa Brgy. Poblacion 3 na isang centerian. Si Tatay Fidel ay nagsilbi noon bilang pulis para sa ating mga kababayan.
Habang ipinaalam niya sa ating Punong Lungsod na ang sekreto ng mahabang buhay ay iwasan ang pagkain ng marami upang lumakas pa ang pangangatawan hanggang sa pagtanda.
Sa kabilang banda, kasama at nakiisa rin sa pagpapaabot ng Birthday Cash sina Atty. Cristine Collantes, Senior Citizen Affairs Head—Mrs. Gloria P. Abrenica, City Treasurer Mr. Fernan Manzanero at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod Kon. Sam Torres Aquino-Bengzon, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Eric Manglo at ang Konsehal na nagsulong upang maging ganap itong Ordinansa sa ating Lungsod para sa Senior Citizens Kon. BGen. Ben Corona.
Samantala, bahagi ang aktibidad na ito upang mapaigting ang implementasyon ng R.A. 10868 o Centenarians Act of 2016 sa ating Lungsod na layong ihatid ang karagdagang benepisyo para sa ating mga minamahal na Senior Citizens.
Congratulations Tatay Fidel!
Previous City Census Coordinating Board nagpulong, para sa 2023 Census of Agricultural and Fisheries (CAF)

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved