City Census Coordinating Board nagpulong, para sa 2023 Census of Agricultural and Fisheries (CAF)

City Census Coordinating Board nagpulong, para sa isasagawang 2023 Census of Agriculture and Fisheries sa Lungsod!
Upang patuloy na mapaunlad ang mga pangunahing sangay ng Agrikultura katulad ng pagsasaka at pangingisda, isinagawa ngayong araw ang City Census Coordinating Board for the 2023 Census of Agricultural and Fisheries (CAF) sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at Chairperson on Committee on Agriculture Konsehal Herman De Sagun kasama ang Philippine Statistics Authority at Local Civil Registry.
Ito ay Alinsunod sa bisa ng Executive Order No. 352 na layong magkaroon ng sistematikong pagkalap ng mga datos sa Lungsod upang masuri ang antas at pamumuhay na mga kababayan nating pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ang sektor ng agrikultura.
Kasabay nito ang pasasalamat ng ating Punong Lungsod sa opisyal mula sa PSA na si Mr. Archie Malabanan upang bigyang suporta ang Pamahalaang Lungsod sa pagbababa ng mga programa para sa ating mga kababayang magsasaka at mangingisda.
Previous Landbank of the Philippines –Tanauan Handang Makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved