Tanaueño, Mayor Sonny Perez Collantes

Ikinararangal ko na ako’y isang Tanaueño! – Mayor Sonny Perez Collantes

Sa pagdiriwang natin ng 23rd Tanauan Cityhood Anniversary ngayong araw, hayaan niyo pong parangalan ko ang bawat isang Tanaueño para sa patuloy nating pagsulong ng matatag, maunlad at progresibong Lungsod ng Tanauan!

Una’y Diyos na ating pinasasalamatan sa kanyang walang hanggang paggabay sa ating Lungsod.

Sa ating mga kababayan, na patuloy na nagpapakita ng pakikiisa at suporta sa ating mga layunin, sundan natin ang mataas na pangarap ng isang Apolinario Mabini at Jose P. Laurel, patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa magandang bukas ng Tanauan!

Asahan niyo po na bilang inyong Punong Lungsod, mananatili akong tapat sa aking panata, patuloy nating ihahatid nang #WalangMaiiwan ang #SubokAtMaaasahang serbisyo para sa mga kapwa ko Tanaueño.

Muli, isang pagbati sa Lungsod na tinaguriang “Duyan ng mga Bayani”, salubungin natin ang araw na ito na puno ng pag-asa, pangarap at pagmamahal sa Lungsod ng Tanauan!

Happy 23rd Tanauan Cityhood Anniversary!
Mabuhay ang bawat isang Tanaueño!
Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!

Mabuhay ang Inang Bayang Pilipinas!

#23rdCityhoodAnniversary

Previous Kandidata mula Brgy. Ambulong, kinoronahan bilang Binibining Tanauan 2024!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved