Bagong Warehouse ng Premier Creative Packaging, itatayo sa Lungsod ng Tanauan!

Alinsunod sa isinusulong na investor-friendly city ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang matagumpay na groundbreaking ceremony ng bagong warehouse ng Premier Creative Packaging ang pinasinayaan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang construction team ng kumpanyang ito sa pangunguna ni Subic Bay Development and Industrial Estate Corporation (SUDECO) President Atty. Paul Elauria.

Kabilang din sa nakiisa sa aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes, mga punong barangay ng Lungsod sa pangunguna ni Pagaspas Brgy. Capt. Romy Micosa.

Ang naturang warehouse ay inaasahang itatayo sa Brgy. Pagaspas na naglalayong maghatid ng karagdagang trabaho at oportunidad para sa mga Tanaueño partikular na sa larangan ng plastic manufacturing na magdadala ng karagdagang kita sa ekonomiya ng Lungsod.

Previous Programa para sa mangingisda, tinalakay ni Mayor Sonny Perez Collantes sa isinagawang Fisherfolk Consultative Meeting!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved