Pagsulong ng isang Business-friendly Tanauan City, binigyang diin ni Mayor Sonny kasama ang mga opisyales ng S&R!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang mga opolisyales ng S&R upang makipagtulungan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Inihayag din nila sa ating Punong Lungsod na nakahanda silang makipagtulungan para sa pag-unlad ng ating Lokal na Ekonomiya na magbibigay ng kabuhayan sa mga Tanaueรฑo.
Kaugnay nito, patuloy ang pakikipagpulong ng ating butihing Mayor sa mga investor para rumami ang mga developer na lilikha ng maraming oportunidad at para sa pagsulong sa kaniyang adhikain na isang Business-friendly Tanauan City.
Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga suhestyon at mga kahilingan.