Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist, isinagawa ngayong araw ang consultative meeting para sa mga Tanaueñong mangingisdang inaasahang maaapektuhan ng temporary closed season ngayong buwan ng Marso at Abril.
Samantala, inilahad din ng ating Punong Lungsod ang kanyang mga plano upang matulungan ang mga apektadong mangingisda. Dumalo din sa nasabing pagpupulong ang Direktor ng BFAR CALABARZON sa katauhan ni Regional Director Sammy Malvas at 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes.