15,000 na mga upuan para sa mga Pampubliko Paraalan sa Lungsod ng Tanauan

15,000 na mga upuan para sa mga Pampubliko Paraalan sa Lungsod ng Tanauan, Tagumpay na naipaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw!
15,000 mga bagong arm chairs ang magagamit na ngayon ng ating mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan matapos tagumpay na mai-turn over ang mga ito sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at mga kawani ng Tanauan City Schools Division Office sa pangunguna nina SDS Officer-In-Charge Mr. Rogelio Opulencia ngayong araw sa Tanauan South Central School.
Habang nakiisa rin sina Tanauan City Womenโ€™s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, Assistant SDS Ms. Rhina Ilagan, School Governance and Operations Division Chief Dr. Maximo Custodio. Jr., Public School Division Supervisor Ms. Zenaida Rivera, Senior Education Program Specialist Mr. Romel Villanueva, Education Program Specialist Mr. Edgar Briรฑas, Education Program Supervisor II Mr. Jhun-Jhun Lucero, at mga Punong Guro nga mga pampublikong paaralan sa Lungsod.
Ang paglalaan ng karagdagang mga arm chairs ay kabilang ito sa prayoridad ni Mayor Sonny at ng ating Pamahalaang Lungsod upang mabigyan ng komportableng pasilidad at mga kagamitan ang lahat ng ating mga mag-aaral sa 59 na mga pampublikong paaralan mula Elementarya hanggang Sekondarya.
Previous TINGNAN | LTO Tanauan District Office, Pormal ng Binuksan ngayong araw!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved