Mayor Sonny Perez Collantes, City Government of Tanauan

TABBOSOC Pormal na Binuksan ang Oyayi Bonsai Exhibit

OYAYI Bonsai Show sa Plaza Mabini! 🌳

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng Tanauan Batangas Bonsai Society (TABBOSOC), pormal nang binuksan kahapon ang Oyayi Bonsai Exhibit sa Plaza Mabini na masisilayan ng ating mga kababayan hanggang ika-20 ng Mayo.
Sa kaniyang mensahe, taos pusong nagpasalamat si Mayor Sonny sa patuloy na pakikibahagi ng kanilang samahan sa mga pangkomunidad na aktibidad ng Lungsod at nangakong patuloy na susuportahan ang kanilang industriya katuwang ang mga Tanaueñong nais matutuhan at gawing kabuhayan ang nasabing aktibidad.
Bukod dito, malugod ding pinasalamatan ni TABBOSOC President Mr. Edwin Cabalag ang Pamahalaang Lungsod para sa patuloy na ibinibigay na suporta para sa kanilang samahan upang mapaunlad pa ang industriya ng Bonsai at makahikayat ng maraming Tanaueño sa ganitong uri ng libangan.
Habang kaisa rin dito si TCWCC President Atty. Cristine Collantes na mariin ding naghayag ng kaniyang taos pusong pasasalamat at pagsuporta para sa pangangalaga ng ating Inang Kalikasan.
Previous MOA at SSS: Job Orders at Contractual, Miyembro Na!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved