Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of Tanauan at Philippine Social Security System – SSS
Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of Tanauan at Philippine Social Security System – SSS, pirmado na; Job Orders at Contractual Employees ng Pamahalaang Lungsod, kwalipikado na maging miyembro ng SSS!
Pormal nang nilagdaan ngayong araw ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at SSS para sa implementasyon ng KaSSSangga collect program.
Sa ilalim nito, maaari nang maging miyembro ng SSS ang 879 Job Order Workers ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
“Sana po ang Signing of Memorandum of Agreement na ito ay maging unang hakbang para sa mas magandang kapalaran ng aming mga kababayan katulad po ng aming mga Job Order at Regular Workers, kasama na rin po ang mga nagsisilbi sa Barangay, bawat Teacher, Bumbero, Pulis at iba pa” aniya Mayor Sonny Perez Collantes.
Ipinabatid naman ni SSS President and CEO Mr. Rolando Ledesma Macasaet na laging handang umagapay ang pamunuan ng SSS para sa paghahatid ng mga benepisyo at social protection sa mga manggagawa sa Lungsod ng Tanauan.
Kabilang din sa mga dumalo sina Mr. Roberto Roldan — Acting Head, Americas and Pacific Operations Division, Mr. Joseph Britanico—Branch Head II, Lipa Branch, Atty. Alejandre Diaz— Acting Head, Luzon South 2 Division at Atty. Voltaire Agas— Executive Vice President, Branch Operations Sector.
Kasama rin pumirma ng ating Punong Lungsod ang mga kapwa niya Alkalde na sina Mayor Eric Africa — Lipa City, Mayor Criseta Reyes — Malvar at Mayor Alexander Magpantay — Cuenca.
Nagpaabot din ng suporta sina City Administrator Wilfredo Ablao, CWCC President Atty. Cristine Collantes at mga Department Managers ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.