AKAProgram para sa mga magsasakang Tanaueño!
Sa pangunguna ng ating butihing Pangulong Bongbong Marcos katuwang sina House of Representatives of the Philippines House Speaker Martin Romualdez, Department of Social Welfare and Development Secretary REX Gatchalian, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes tagumpay naihatid ang Tulong Pinansyal para sa ating mga magsasaka sa Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP.
Tinatayang nasa 802 na mga magsasaka sa buong Ikatlong Distrito ng Batangas ang natulungan ng naturang programa. Layon nito na umagapay sa ating mga kababayan para epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ating Bansa.
Habang, nakiisa rin dito sina CWCC President Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes na kabahagi ng ating Pamahalaang Lungsod para sa pagbababa ng iba’t ibang programa ng ating Pamahalaang Nasyunal para sa mga Tanaueño.