“Common Service Facilities” para sa Women’s Livelihood Development sa Lungsod ng Tanauan!
๐๐๐ signing and ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐; HONDA PHILIPPINES, naghandog ng “Common Service Facilities” para sa Women’s Livelihood Development sa Lungsod ng Tanauan!
Pirmado na ngayong umaga ang “Memorandum of Agreement at Deed Of Donation” sa pagitan ng HONDA PHILIPPINES at City Government of Tanauan para sa mga donasyong “Common Service Facilities”.
Kabilang sa mga donasyon ang Tricycle Units, Power Tiller, Grass Cutter, Computer and Printer Sets at Baking tools na pakikinabangan ng iba’t ibang samahan ng kababaihan sa iba’t ibang kasanayan na may kinalaman sa “Livelihood Development”.
|
Sa mensahe ng ating mahal na Punong Lungsod Sonny Perez Collantes “Together, the HONDA Philippines and the Tanauan City Government will make a lasting difference. I look forward to seeing the lasting changes that will unfold in the coming years, Maraming-maraming salamat po sa pamunuan ng HONDA Philippines!”
Taos puso rin na nagpasalamat ang ating CWCC President Atty. Cristine Collantes kung saan ay kanyang kinilala ang laging bukas na pakikipagtulungan ng HONDA PHILIPPINES para sa pagpapalakas ng sektor ng kababaihan sa Lungsod ng Tanauan.
Dumalo rito ang mga opisyal mula sa HONDA PHILIPPINES sa pangunguna nina Ms. Crecelle A. San JoseโCSR Manager, Mr. Juan Gerry DatarioโAVP for Business Administration at Mr. Ericardo Emmanuel AgtarapโGeneral Services Manager.
Nagpaabot din ng suporta at mensahe mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sina Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad Jr. na kinatawanan ni Konsehal Angel Burgos, Ms. May Teresita Fidelino โ CCLDO Department Manager, City Legal Office at ilang mga Sangguniang Barangay sa Lungsod.