Women’s Livelihood Development Program, inihatid nina Mayor Sonny Perez Collantes at Unionbank of the Philippines!
Bilang pagdiriwang sa buwan ng Kababaihan isang espesyal na programa ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan.
Mula sa inisyatibo nina Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang Union Bank of the Philippines sa pangunguna ni UB, Relationship Manager Maria Agnes Adorna, tuturuan at bibigyan ng karagdagang hanap buhay ang mga kababaihan sa Lungsod.
Una na rito ang handog na Sewing Machine ng Union Bank of the Philippines bilang paunang proyekto na layong bigyan ng kaalaman ang ating mga kababayan sa pananahi na malaki ang kapakinabangan upang lumikha ng mga skilled workers sa ating Lalawigan.
Bahagi rin ng programa ang pagsasanay hinggil sa Food Safety at Meat processing na inihatid naman nina CCLDO Department Manager May Teresita Fidelino at CSWD Livelihood Training Coordinator Jocelyn M. Natividad.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Sonny sa masipag na Department Manager ng City Social Welfare and Development Office Rebecca Javier dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng programa. Binigyan diin din ng ating butihing Punong Lungsod na patuloy niyang susuportahan at pangangalagaan ang mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan.