Sonny Perez Collantes

Programang pangkalusugan sa Tanauan, paiigtingin ni Mayor Sonny katuwang ang Daniel O. Mercado Medical Center!

Programang pangkalusugan sa Tanauan, paiigtingin ni Mayor Sonny katuwang ang Daniel O. Mercado Medical Center!
Dahil sa tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa iba’t ibang pribadong sektor patuloy rin ang isinasagawang hakbang upang palawakin ang mga programa ng ating Lokal na Pamahalaan sa sektor ng kalusugan.
Sa pagpupulong ngayong araw kasama ang mga opisyales ng Daniel O. Mercado Medical Center sa pangunguna nina DMMC Chief Operating Officer Edwin Magsino at Vice President- Medical Affairs Dr. Maria Gina Nazareth kanilang tinalakay ang pagpapalawig ng Health Care services para sa ating mga kababayan. Inaasahan din ang isasagawang kolaborasyon upang magbaba ng mga programang pangkalusugan sa bawat Barangay.
Ipinagpasalamat naman ng DMMC Officials ang mabilis na aksyon at ipinaabot na tulong ng ating Punong Lungsod sa insidenteng naganap sa kanilang pasilidad noong ika-2 ng Marso.
Previous Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Daiichi Properties, ipinakilala na ang MIRA CITY para sa mga Tanaueño!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved