Tulong Pinansyal, ipinaabot ng Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at DSWD para sa Ikatlong Distrito ng Batangas
Umabot sa higit 1000 mga kababayan mula sa Ikatlong Distrito ng Batangas ang kasalukuyang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Department of Social Welfare and Development.
Sa kasalukuyan, ilan lamang ito sa mga inisyatibong programa ng Tanggapan ni Congw. Maitet katuwang ang mga lokal na pamahalaan tulad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal upang matugunan at masigurong naipapaabot ang bawat pangangailangan ng mga mamamayang Tanaueño.
Samantala, i-click lamang ang link na ito para sa kagdagang impormasyon patungkol sa aplikasyon sa Tanggapan ni Cong. Maitet Collantes: https://www.facebook.com/congmaitetcollantes/posts/pfbid09x3nkWYmBJo55NPYSYwLr95j4F1acEaqdU8Ny97NaJ5UzH15cccuS6po55rvRSUxl
Habang bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.