Educational Assistance

Educational Assistance, Brgy Balele

Educational Assistance, tagumpay na ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Balele!
Umabot sa 2064 na mga mag-aaral mula sa Brgy. Balele ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance ngayong araw katuwang ang Barangay Affairs Office, City Treasury Office at mga kawani ng Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes , Atty. Cristine Collantes at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Eric Manglo, Kon. Dra. Kristel Nones Guelos , Kon. Ben Corona, Kon. Czylene Marqueses ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Tulong Pinansyal patuloy na ipinaaabot ng Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved