TESDA NC II for Public Senior High Schools

51 na mga Senior High School Students mula sa ating mga pampublikong paaralan, nakamit ang 100% passing rate sa isinagawang TESDA NC II for Public Senior High Schools sa rehiyon!
Bunsod ng patuloy na pagsuporta ni Mayor Sonny Perez Collantes sa sektor ng Edukasyon, nakamit ng 51 Senior Students mula sa mga pampublikong paaralan ang 100 percent passing rate para sa Skills Training Program ng Tesda.
Ang mga nasabing mga mag-aaral ay mula sa Tanauan City School of Fisheries, Pantay Integrated High School at Tanauan City High kung saan nakatanggap sila ng National Certificate II at National Certificate III sa mga sumusunod na Technical and Vocational program:
-Bread and Pastry Production
-Food and Beverage
-Book Keeping
Labis namang ikinatuwan ni Mayor Sonny ang nakamit tagumpay ng mga mag-aaral at binigyang diin na katuwang ang ating School Division Superintendent Ms. Lourdes T. Bermudez, CESO VI patuloy na susuportahan at pagtutuunan ang pagbuo ng mga programang lilinang sa husay at dedikasyon ng ating mga kabataang Tanaueño.
Pinasalamatan naman ng kanilang mga guro ang ating butihing Punong Lungsod dahil sa kauna-unahang pagkakataon nilaanan ng pondo ng Lokal Pamahalaan ang nilahukan nilang aktibidad, at pinuri ang kaniyang layunin na makatulong sa pagtupad sa pangarap ng bawat mag-aaral sa Lungsod.
Congratulations sa inyong lahat!
Previous City Peace and Order Council 3rd Quarterly Meeting

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved