City Peace and Order Council 3rd Quarterly Meeting

Pagpapaigting ng kaayusan para sa nalalapit na Barangay Eleksyon, bahagi ng City Peace and Order Council 3rd Quarterly Meeting!
Kasama ang mga opisyales mula sa Tanauan Philippine National Police, Tanauan Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection Tanauan, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw ang City Peace and Order Council meeting para talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng kaayusan at kapayapaan sa ating Lungsod.
Kabilang sa iniulat nina PLTCOL John Rellian at CLGOO Ms Flor Quiza ang isinasagawang paghahanda ng ating mga Kapulisan para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa nalalapit na Barangay Eleksyon 2023.
Ipinagpasalamat naman ni Jail Chief Inspector Marlon Barrun ang kauna-unahang programang inahandog ng ating Punong Lungsod para sa ating mga Persons Deprived of Liberty kung saan nagsagawa ng Fiesta Festival para sa kanilang pagtatapos sa Libreng Skilled Training Program na proyekto ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang City Cooperative and Livehood Development Office. Habang, sa request na Loteng pagtatayuan ng kanilang bagong Jail Facility, masayang ibinalita ni Mayor Sonny na mayroon nang nahanap na Lupa at nakatakdang bilihin bilang tugon sa kanilang kahilingan.
Pinuri naman ng Bureau of Fire Protection ang ating butihing Punong Lungsod para sa matagumpay na Signing Ceremony ng Deed of Usufruct of land for the new Central Fire Station kung saan naghandog ng 2,000 Sq.m. ang Pamahalaang Lungsod na matatagpuan sa loob ng itatayong Sagip Pamilya Community. Bukod dito, kanila ring iniulat ang patuloy na pagsasagawa ng Community Fire protection Plan-Workshop sa bawat Barangay upang magbigay ng sapat na kaalaman sa ating mga kababayan para maiwasan ang mga trahedya katulad ng sunog.
Previous Libreng Beauty Care Training para sa mga Tanaueña

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved