Tatlong kadete mula sa Philippine Military Academy ang nagpaabot ng courtesy call sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes

IN PHOTOS | Tatlong kadete mula sa Philippine Military Academy ang nagpaabot ng courtesy call sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes
Mainit na tinanggap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ngayong umaga ika-28 ng Disyembre , ang tatlong kadete mula sa Philippine Military Academy na sina CDT Lt 1Cl James M. Pamplona CCAFP (MADASIGON CLASS OF 2023), CDT F/SGT 2CL Emmanuel Q. Quibal CCAFP (BAGONG SINAG CLASS OF 2024) at CDT CPL 3CL John Matthew P. Luna CCAFP (SIKLAB-LAYA CLASS OF 2025).
Dito ay ikinatuwa ni Mayor Sonny na ang tatlong magigiting na kadete ay mga kapwa niya Tanaueño mula sa Brgy. Bañadero, Ulango at Janopol Occidental, “Bihira lamang ang mga nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa Philippine Military Academy, kahit saan kayo madala, kahit saan kayo ma-assign, be the best that you can be, ‘iyon ay dangal na ibinigay nyo sa pamilya nyo, you honor the people and you honor your position by serving our people” aniya Mayor Sonny sa tatlong kadete.
Kasabay nito, nagpaabot din ng simpleng regalo ang ating Punong Lungsod sa mga kadete bilang simbolo ng kanyang pagkilala at pagbibigay pugay sa kanilang dedikasyon at paninindigan upang maging mahuhusay na pinuno ng kinabukasan.
Nagpasalamat naman ang kanilang pamilya kay Mayor Sonny dahil sa mainit nitong pagtanggap at taos pusong suporta sa mga magigiting na kadete. “The future beckons, ‘wag nating kalimutang lumingon sa ating pinanggalingan, iaalay natin ang ipinagkaloob na tagumpay , una’y sa Diyos, sa ating pamilya at sa ating mga kababayan” pagtatapos ni Mayor Sonny.
Previous Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, tagumpay na naipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved