Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, tagumpay na naipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at Mr. Fernan Manzanero ng City Treasury Office (CTO), tagumpay na naipaabot ang Cash Incentives para sa ating 12 mga Tanaueñong Senior Citizen edad 85 hanggang 99 taong gulang ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan.
Kabilang din sa nakibahagi sa nasabing pagpapaabot ng tulong pinansyal ay si Kon. BGen. Ben Corona na siyang may akda ng Ordinansang Panlungsod na naglalayong maghatid ng Additional Cash Incentives para sa ating mga Senior Citizens alinsunod sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Bahagi rin ito ng inisyatibo ng ating butihing Punong Lungsod bigyang-prayoridad ang sektor ng ating mga Senior Citizens sa pamamagitan ng paglalapit ng mga programang mangangalaga sa kanilang kalusugan, karapatan at mga benepisyong nararapat na natatanggap mula sa Pamahakaan.