Tanggapan Ng Beterinaryong Panglungsod-Tanauan, kinilala bilang “BEST RABIES PROGRAM IMPLEMENTER” sa buong Lalawigan ng Batangas

Tanggapan Ng Beterinaryong Panglungsod-Tanauan, kinilala bilang “BEST RABIES PROGRAM IMPLEMENTER” sa buong Lalawigan ng Batangas
Binigyang-pagkilala ang Office of City Veterinary bilang Best Rabies Program Implementer sa buong Lalawigan ng Batangas nitong ika-30 ng Setyembre na bahagi ng pagdiriwang ng World Rabies Day.
Kaisa ang mga Barangay Animal Health Workers, kinilala ang mga programa ng pamahalaang panglungsod laban sa Rabis kabilang ang:
1. Anti-Rabies Vaccination
2. Apprehension & Impounding of Stray Dogs
3. Dog/Cat Spaying and Neutering
4. Information, Education & Communication Campaigns.
Ang naturang paggagawad ng parangal ay pinangunahan nina Batangas 4th District Provincial Board Member Jesus H. De Veyra at Batangas Provicial Veterinarian Romelito Marasigan.
Ang pagkilalang ito ay isa sa patunay na maigting ang pagsusulong ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan upang maging Rabies-Free ang lungsod.
Muli,

Congratulations

Office of the City Veterinary Office!

Previous LOOK | Mga nakumpiskang may depekto at dayang timbangan, sinira ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved