LOOK | Mga nakumpiskang may depekto at dayang timbangan, sinira ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod!

LOOK 👀 | Mga nakumpiskang may depekto at dayang timbangan, sinira ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod!
Alinsunod sa City Tax Ordinace 2011-01 o Revenue Code of the City of Tanauan, 12 na mga depektibong timbangan ang kinumpiska ng ating Pamahalaang Lungsod sa ilang pamilihan sa Tanauan na pinangunahan ng Treasury Operation Unit.
Sa isinagawang operasyon ng Treasury Operation Unit noong Hulyo, ilang tindero/tindera ng isda sa ilang palengke ng ating Lungsod ang nasita dahil sa madayang paggamit ng kanilang mga timbangan, dahilan upang mga makapanlamang at makapandaya sa ating mga lokal na mamimili.
Kaya naman, kasabay ng Flag raising Ceremony ngayong araw sa harapan ng mga kawani pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama si Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pagsira sa mga nakumpiskang timbangan bilang paalala sa ating mga kababayan na hindi pinahihintulutan ng ating Punong Lungsod ang mga ganitong uri ng gawain.
Previous 03 OCT 2022 | TANAUAN CITY’S 12TH FLAG RAISING CEREMONY

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved