Matagumpay at Makulay na PRIDE MONTH Celebration, idinaos sa Lungsod ng Tanauan!
Kasama ang ating mga Tanaueñong LGBTQIA+ members and allies, isang makulay na selebrasyon ng PRIDE MONTH ngayong araw ang pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang KISLAP Tanauan City.
Sama-samang pumarada rin ang ating mga kababayan mula New Tanauan City Hall hanggang Mabini Avenue tampok ang kanilang makukulay na kasuotan. Bukod rito, ay inilunsad din ang bagong LGBTQIA+ logo.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-halaga ANG KONTRIBUSYON, pangarap at karapatan ng ating LGBTQIA+ members, Aniya “
dito sa Lungsod ng Tanauan lahat ng member ng LGBTQIA+ Members sa pamumuno po ng inyong Lingkod, lahat kayo pare-pareho ang pagkakataon, pare-pareho ang oportunidad kagaya ng kahit sinong taga Tanauan. Dito sa Tanauan, hindi idi-discriminate, hindi titingnang mababa ang lahat ng mga LGBTQIA+ members, kayong lahat be the best that you could be. That you could live the way you want to live. Kapag yan ay ginawa ninyo, asahan niyo, palaging kasama ninyo sa inyong tabihan sa inyong harapan, sa inyong likuran ang lungsod ng tanauan, sa pangunguna ni Sonny Perez Collantes.”
Habang kabilang din sa nakiisa sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, LGBTQIA+ KISLAP ADVISER, Atty. Cristine Collantes, Atty. King Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jun Jun Trinidad kasama sina Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, at Kon. BGen. Ben Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Eugene Yson at Kon. Glen Win Gonzales.
Samantala, bahagi rin ng selebrasyon ang paghahatid ng iba’t ibang special awards at hair cutting and make-up competition na pinangunahan ng KISLAP Tanauan City sa pamumuno ni President Jomar “Kim” Suangco katuwang ang Gender and Development Office at Tanauan CSWD.