Local Health Board Meeting 2023

Proposed City Ordinance creating a Comprehensive Primary Health Care Delivery System sa Lungsod, bahagi ng Local Health Board meeting!
Sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at City Health Office Head Dra. Anna Dalawampu at Kon. Dra. Kristel Nones Guelos isinagawa ngayong araw ang Local Health Board ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kung saan patuloy na pinag-usapan ang mga kaso at malawakang plano laban sa sakit na COVID-19 at Dengue.
Kabilang sa tinalakay ang bilang ng mga kababayan nating sumailalim mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon para i-test sa biniling Electro-chemiluminescense Immunoassay o ECLIA System ng Pamahalaang Lungsod, bilang modernong detection system para sa mga uri ng cancer tulad ng Prostate Cancer, mga problema sa Thyroid at iba pang mga medical condition.
Bahagi rin nito ang pagmungkahi upang gawing City Ordinance ang mga sumusunod na Board Resolution:
-Proposed City Ordinance Creating a Comprehensive Primary Health Care Delivery System in the City of Tanauan
-Request for the Amendment of the City Ordinance No. 2017 – 32, entitled “An Ordinance Creating the City Epidemiology and Surveillance Unit under the City Health Office and Directing all Disease Reporting Units to report notifiable diseases and important data necessary in the prioritization and Implementation of Health Programs amd Projects in the City of Tanauan.
Previous 2 Day Summer Basketball Camp sa Barangay Trapiche

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved