Binigyan ng pasasalamat ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes ang maigting na suporta ng kanilang samahan (Tanauan Police Force Multipliers) sa pag-agapay sa ating mga kapulisan at Pamahalaang Lungsod upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan.
Kinilala rin ang kanilang dedikasyon para sa pagpapalakas ng Peace and Order para mapangalagaan ang seguridad ng bawat isang Tanaueño.